National Plebiscite Board of Canvassers, muling magku-convene sa susunod na linggo matapos na walang matanggap na Certificate of Canvass

Maagang tinapos ng Comelec na tumatayong National Plebiscite Board of Canvassers ang sesyon nila nitong Huwebes.

Ito ay matapos na walang natanggap na certificate of canvass kaugnay sa ikalawang araw ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.

Sinabi ni Comelec Chairman Sheriff Abas, muling magku-convene ang NPBOC para sa canvassing sa Pebrero 11.

Partikular na bibilangin ang resulta ng plebisito na isinagawa sa Lanao del Norte at North Cotabato kung mapapasama ba  sila sa itatayong Bangsamoro Autonomous Region.

Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *