Fishing Ban, ipatutupad sa karagatang sakop ng Samar hanggang sa Hulyo

Pansamantalang magpapatupad ng fishing ban sa karagatang sakop ng Samar hanggang sa Hulyo.

Ayon kay Calbayog Mayor Ronaldo Aquino, pinuno ng Samar Sea Alliance, kailangan nilang magpatupad ng fishing ban dahil kumokonti na ang isda sa kanilang karagatan.

Una nang nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng Calbayog City ng resolusyon upang makontrol ang paghuli at pagbebenta sa ilang uri ng isda, gaya na lamang ng galunggong.

Naglaan na rin ng 2 milyong piso ang Local Government para mabigyan ng bangkang de motor at iba pang kagamitan para itigil na ng mga mangingisda ang paggamit ng dinamita.

Sa pamamagitan ng nasabing fishing ban, mabibigyan ng pagkakataon ang mga isda na muli pang makapagparami at makapagpalaki.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *