Pasok sa mga hukuman sa Metro Manila, suspendido sa April 27-28 dahil sa ASEAN summit

Sa harap ng mga aktibidad sa 30th ASEAN summit, sinuspinde ng Korte Suprema ang trabaho sa mga hukuman sa Metro Manila sa April 27 hanggang 28.

Sa abiso  na ipinalabas ng Supreme Court Public Information Office, sa April 27, huwebes ,walang pasok sa trabaho ang  lahat ng mga Korte sa lungsod ng Pasay, Makati at Maynila.

Sa April 28, Biyernes, suspendido naman ang trabaho sa lahat ng hukuman sa buong Metro Manila kabilang na ang Korte Suprema, Court of Appeals at Sandiganbayan.

Ang suspensyon ay inanunsyo ng Korte Suprema kasunod ng kautusan ng Office of the President na nagsususpinde sa pasok sa gobyerno at pribadong sektor sa susunod na linggo dahil sa ASEAN summit kung saan ang Pilipinas ang host ngayong taon.

Ulat ni : Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *