NBI balik na muli sa operasyon kontra iligal na droga

Balik na ang operasyon kontra iligal na droga ng National Bureau of Investigation.

Mahigit isang buwan din na natigil ang imbestigasyon at pagsasagawa ng case buildup ng NBI laban sa mga hinihinalang sindikato ng iligal na droga makaraang suspendihin ito noong Pebrero.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, inatasan na niya ang NBI Anti -Illegal Drugs Unit at Task Force Against Illegal Drugs para muling magsagawa ng operasyon.

Ito ay matapos hilingin ng kalihim kay Pangulong Duterte na maibalik na sa NBI ang kampanya kontra sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ng kalihim na malaking kawalan kung hindi tutulong ang NBI sa laban kontra droga.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.