NIA Administrator Peter Lavińa nag-resign at hindi sinibak ayon sa Malakanyang

Iginiit ng Malakanyang na nagbitiw at hindi sinibak sa kanyang puwesto si National Irrigation Administration o NIA Administrator Peter Lavińa.

Ginawa ng Palasyo ang pahayag matapos kumalat ang balita na sinibak ni Pangulong Duterte si Laviña dahil sa isyu ng korapsyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na naglabas ng statement si Secretary to the Cabinet Jun Evasco hinggil sa resignation letter ni Laviña.

Batay sa mga kumakalat na report nakarating sa kaalaman ng Pangulo na nanghihingi umano si Laviña ng komisyon sa kontratang pinasok ng NIA.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: