Raliyista sumugod sa Senado para suportahan si DENR Sec. Lopez

Sumugod sa Senado ang ibat ibang miyembro ng environmental group para ipakita ang kanilang suporta kay Environment Secretary Gina Lopez.

Ngayong araw sana isasalang ang kumpirmasyon ni Lopez sa makapangyarihang Commission on Appointments subalit hindi natuloy dahil sa nangyaring rigodon sa Senado.

Ipinagpaliban ang kumpirmasyon ni Lopez dahil kailangan munang magsagawa ng re- organization dahil kapwa miyembro ng komisyon ang napatalsik na sina Senators Francis Pangilinan at Bam Aquino .

Ayon sa grupo , sinusuportahan nila si Lopez dahil sa maikling panahon pa lamang ay nagpakita ito ng reporma para protektahan ang kalikasan.

Kabilang na rito ang pagpapatigil niya sa pagmimina at pagwasak sa fish pen sa Laguna de Bay.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.