Operasyon ng LRT Line 1, pahahabain – DOTr

Mas papahabain na ang oras ng operasyon ng LRT Line 1 na may biyaheng Roosevelt – Baclaran at pabalik.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), mula sa kasalukuyang alas 5:00 ng umaga ay gagawin nang 4:30 ng umaga ang unang biyahe ng tren ng LRT-1 mula Baclaran.

Ang huling biyahe naman sa Northbound o mula Baclaran patungong Roosevelt ay magiging alas 10:00 na ng gabi, habang alas 10:15 ng gabi ang last trip o huling biyahe ng tren galing sa Roosevelt.

Bukod dito, itataas din ang speed limit ng tren mula sa kasalukuyang 40 kph gagawing na itong 60 kph.

Samantala, ang pagbabago sa oras ng biyahe at bilis ng tren ay inaasahang makababawas sa waiting time ng mga pasahero.

Dahil din sa bagong schedule, mula sa dating 512 na daily trips ng LRT-1 ay tataas ito sa 554 na biyahe ng mga tren araw-araw.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *