PAL flights patungong Dubai tuloy-tuloy pa rin

Tuloy  pa rin ang mga biyahe ng Philippine Airlines (PAL) patungong Qatar sa kabila ng diplomatic row na namamagitan sa nasabing bansa at sa iba pang bansa sa Gitnang Silangan.

Ayon sa PAL, tuloy ang kanilang apat na beses na biyahe sa loob ng isang linggo patungong Qatar.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, maghihintay sila ng abiso mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa sitwasyon.

Sa ngayon wala pang idinedeklarang airspace restriction para sa mga biyahe mula Pilipinas patungong Doha.

Sa pinakahuling abiso naman ng Cebu Pacific, hanggang July 1 na lamang ang biyahe nila patungong Doha.

Nauna nang nagsuspinde ng kanilang mga biyahe patungong Doha ang FlyDubai, Gulf Air, Saudi Air at Bahrain Gulf Air.

Maging ang Etihad Airways ng Abu Dhabi ay nagsuspinde na rin ng kanilang mga biyahe patungo at galing sa Doha.

Ang Qatar Airways naman ay nagsuspinde rin ng lahat ng biyahe nila patungong Saudi Arabia.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *