Oplan balik eskwela ng DEPED, lubos na pinaghahandaan, partner agencies, dumalo sa talakayan

Ngayon pa lang pinaghahandaan na ng Department of Education ang Oplan Balik Eskwela 2017 hindi pa man natatapos ang Brigada Eskwela 2017.

Ang Oplan Balik Eskwela ay isang taunang kampanya na pinangungunahan ng DEPED sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensya ng pamahalaan, maging ng  komunidad at mga interest group bilang paghahanda para sa pagbubukas ng klase.

Naglalayon ito na matiyak na ang mga mag aaral ay  mapayapang nakapag enroll at makakapasok sa paaralan sa unang araw ng pagbubukas ng klase.

Una itong ginawa noong 2005 at nalunasan agad ang mga nasasagupang problema sa pagbubukas ng klase.

Kabilang sa mga concern ng Oplan Balik Eskuwela na mahalagang matugunan ay  traffic, safety and security, price monitoring of school supplies, medical at emergency services, preparation of school buildings and roads, public transportation, supplies of utilities in schools,  weather outlook, local government unit coordination and support.

Kabilang sa mga agencies na involved sa Oplan Balik Eskuwela  na DEPED ang leading agency ay  :

DPWH – completion of classrooms being constructed; clearing of road obstruction

DTI – price stability of school supplies

DOTC – public transportation

DOH – dissemination of health guidelines

DILG – involvement of local government and barangays in school opening preparations

PNP – crime prevention

PAGASA – weather updates

MMDA – traffic management in Metro Manila

MWSS – no water interruption

Manila Water – no water interruption

MERALCO – no power interruption; assistance in rewiring public schools

Ang pinaka main objective ng kampanyang Oplan Balik Eskwela  ay matiyak na smooth ang opening ng mga klase para sa school year 2017-2018.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *