Oplan Sita ng Kawit, Cavite, umarangkada na

Sinimulan na ng Kawit, Cavite municipal police station ang pag-inspeksyon sa mga pampublikong sasakyan sa bayan sa ilalim ng programang “Oplan Sita”.

Ayon kay Kawit Cavite Mayor Angelo Aguinaldo, pinangunahan ito ng bagong talagang hepe ng Kawit Municipal Police station na si PMAJ. Joel Celestino Palmares.

Ito ay para matiyak na nasusunod ang safety health protocol sa mga pumapasadang mga bus at iba pang uri ng mass transport system sa kanilang bayan.


Hindi lamang ang mga pampublikong sasakyan ang iniinspeksyon kundi maging ang mga pasaherong sumasakay gaya ng mandatory wearing of face mask and face shield bago sumakay at bumiyahe.

Jet Hilario

Please follow and like us: