Pablo Azcona itinalagang acting SRA chief

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Pablo Luis Azcona bilang acting administrator at chief executive officer ng Sugar Regulatory Authority (SRA).

Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagtatalaga kay Azcona na itinalaga noong petsang Abril 20, 2023.

Si Azcona ay kabilang sa naka-upong miyembro ng Sugar Regulatory Board.

Noong Marso inanunsyo ng Malacañang ang pagbibitiw sa pwesto ni SRA Chief David Thaddeus Alba dahil sa lumalalang kondisyon ng kaniyang kalusugan.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *