227 Pinoy nakatawid na sa Egypt border mula sa Sudan – DFA

Nadagdagan pa ang bilang mga Pilipino mula sa Sudan ang nakatawid na sa border ng Egypt.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs )(DFA) spoikesperson Ma. Theresa Daza, umabot na sa kabuuang 227 Pinoy na lulan ng pitong bus ang dumating na sa Egyptian Sudanese border ng Argeen.

Dahil dito, nasa kabuuang 340 Pinoy na ang nakarating na sa Egypt kabilang ang 50 na unang dumating sa nasabing lugar.

Sinalubong ni Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago ang nasabing mga Pinoy na lumikas sa harap ng patuloy na kaguluhan sa Sudan.

Una nang itinaas ng DFA ang Alert Level 3 o voluntary repatriation evacuation sa Sudan bunsod ng karahasan doon dahil sa bakbakan sa pagitan ng mga paksyon ng militar.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *