Pag-aresto kay Sen.de Lima di’ makakaapekto sa trabaho ng Senado-Pimentel

de lima

Hindi makakaapekto sa trabaho ng Senado sakaling arestuhin na si Senadora Leila de Lima.

Sa panayam ng Radyo Agila sinabi ni Senate President Aquilino “koko “Pimentel , tuloy ang trabaho ng mga senador kahit isagawa pa ang pagaresto kay de Lima.

Subalit sa ngayon ay wala pa naman aniyang inilalabas na arrest warrant laban sa senadora.

sakali man Aniyang isilbi na ang arrest warrant at gawin sa Senado ang pag-aresto dapat itong maipatupad ng maayos at kailangan ding makipag-coordinate sa Senado ang law enforcement agency  na magsisilbi ng warrant.

“ano lang po gagamit tayo ng common sense tsaka respeto…the law enforcers must respect the institution , wag silang manggulo dun o huwag silang maging magulo sa pag-implement ng arrest warrant mag-coordinate sila sa security namin ..yun lang po yun and then papayagan naman namin silang pumasok at tsaka magserve ng warrant , kasi utos ng korte yan kailangang respetuhin “ -Pimentel

Please follow and like us: