Hamon ni Sen. Trillanes na magbigay ng waiver si Pang. Duterte mayroon na noon pang kampanya ayon sa Malakanyang

Rodrigo_Duterte_(2009)

Noon pang panahon ng kampanya ay nagbigay na si Pangulong Duterte ng waiver para malaya si Senador Antonio Trillanes na makalkal ang simasabi niyang hidden bank account ng Chief Executive.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo , siya pa mismo ang nagdala ng waiver sa Bank of Philippine Island Julia Vargas Branch sa Pasig City.

Ayon kay Panelo noon pa sinasabi ni Trillanes na mayroong daang milyong pisong bank deposits ang Pangulo sa BPI subalit nang buksan ay 17,668 lang ang laman at hindi daang milyong piso.

Idagdag pa ni Panelo malinaw ang pahayag ng Pangulo na kapag napatunayan ni Trillanes na mayroong hidden bank account ang Chief Executve agad itong magbibitiw sa puwesto.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.