Pag-imprenta ng mga balota, ipinagpaliban ng COMELEC

Ipinagpaliban ng Commission on Election (COMELEC) ang petsa ng pag-iimprenta ng mga balota. Mula sa dating nakatakdang petsa na February 1, iniurong na sa February 8 ang pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa halalan sa Mayo.

Ayon kay Comelec Commissioner, Christian Robert Lim ito na ang pinaka pinal at huling pagpapaliban ng pag-iimprenta ng balota dahil kung mayroon umanong pipigil nito, dapat handa silang iurong na rin ang mismong eleksyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *