Pagbibigay ng libreng pabahay sa KADAMAY, bad signal ayon sa Senado

Binatikos  ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ipag-utos na ibigay sa mga miyembro ng KADAMAY  ang mga housing unit na pwersahan nilang inokupa sa Pandi Bulacan.

Ayon kay Gordon, masamang signal ang ginawa ng Pangulo na tila nadadapa ito sa kaniyang sariling espada.

Hindi aniya tama na kinukonsinte ng Pangulo ang tulad ng grupong KADAMAY  na pagkatapos manggulo at mag-okupa ng housing units, bibigay ito sa kanilang demand.

Nangangamba si Gordon na pagmumulan ito ng anarkiya dahil tila inilalagay ng grupong KADAMAY ang batas sa kanilang kamay.

Paalala ni Gordon, may umiiral na proseso at batas sa Pilipinas at hindi nakakahigit sa batas ang mga miyembro ng KADAMAY.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: