Trust at Performance ratings ni Pang. Duterte bumaba sa latest survey ng Pulse Asia

Bumaba ang  performance at trust ratings ni Pangulong Duterte  noong Marso.

Ito ay batay sa pinakabagong resulta ng survey ng Pulse Asia.

Isinagawa ang survey mula March 15 hanggang 20  sa 1,200 respondents.

Lumitaw sa survey na bumaba ang performance rating ng Pangulo ng five percentage points mula sa 83 percent noong December  2016 ,  sa 78 percent ngayong March 2017.

Ang trust rating ng Pangulo ay bumaba naman ng seven percentage points mula sa 83 percent noong Disyembre ng nakaraang taon sa 76 percent noong Marso ngayong taon.

 

Please follow and like us: