Pagkaka-reject ng CA kay DFA Secretary Perfecto Yasay ikinalungkot ng Malakanyang

Nalungkot ang Malakanyang sa pagkakabasura ng Commission on Appointments  sa nominasyon ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na iginagalang ng Malakanyang ang desisyon ng CA.

Ayon kay Panelo malamang na magtalaga ng Officer in Charge o OIC sa tanggapan ng Secretary of Department of Foreign Affairs.

Si Yasay ay ni-reject ng makapangyarihang Commission on Appointments dahil sa isyu ng kanyang pagiging American citizen.

Samantala nananatiling nakabinbin ang kumpirmasyon sa CA nina Environment Secretary Gina Lopez at Health Secretary Pauline Ubial.

Ulat ni : Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *