Paglilitis sa mga akusado sa missing sabungero case, itinakda ng korte sa October 10; anim na akusado naghain ng not guilty plea

Magsisimula na sa Oktubre 10 ang paglilitis sa anim na akusado sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena noong Enero 2022.

Naaresto kamakailan ng mga tauhan ng PNP- CIDG ang anim sa Parañaque City.

Noong Huwebes ay isinailalim sa arraignment o binasahan ng sakdal ang anim at idinaos ang pre- trial conference ng kaso sa Manila Regional Trial Court Branch 40.

Dumalo sa pamamagitan ng videoconferencing ang anim na naghain ng not guilty plea.

Tanging ang mga abogado nila at ang mga piskal ang humarap sa pagdinig.

Ayon sa National Prosecution Service, itinakda ng korte sa October 10 ang pagsisimula ng pormal na paglilitis sa anim na nahaharap sa mga kasong kidnapping and serious illegal detention.

Inaasahang diringgin din sa nasabing petsa ang inihaing petition for bail ng mga akusado.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *