Pagpapalit ng Presidential Security Group commander pinangunahan ni Pang. Duterte

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Change of Command ng Bagong talagang commander ng Presidential Security Group o PSG.

Itoy matapos hirangin ni Pangulong Duterte si Colonel Louie Dagoy bilang bagong PSG commander.

Pinalitan ni Colonel Dagoy si Brigadier General Rolando Bautista na itinalaga ng Pangulo bilang bagong Commanding General  ng 1st  Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Pagadian City Zamboanga del Sur.

Si Colonel Dagoy ay senior military adviser ng Pangulo at miyembro ng Philippine Military Academy Hinirang Class of 1987.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.