Pagpaparesign sa mga heneral tinawag na unfair

Tinawag na unfair ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel ang utos ni DILG Secretary Benhur Abalos sa lahat ng opisyal ng PNP na magsumite ng courtesy resignation dahil sa umano’y pagkakasangkot sa illegal drugs.

Ayon kay Pimentel, masyadong malawak ang saklaw ng kautusan dahil maaring madamay ang mga opisyal na inosente naman at magaling sa kanilang trabaho.

Sa halip na mass resignation, sinabi ng Senador na dapat tinukoy na lang ang mga sinasabing dawit sa illegal drug operations o anumang iregularidad, kasuhan at papanagutin sa batas.

Kasama aniya dapat sa kasuhan ang mga protektor ng mga tiwaling pulis at papanagutin sa ilalim ng conspiracy.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *