Pagreretiro sa boxing personal na desisyon ni Senador Manny Pacquaio

Dapat ipaubaya na lang kay Senador Manny Pacquiao ang desisyon nito kung tuluyan nang magreretiro.

Sa harap ito mga panawagan para magretiro si Pacquiao matapos mabigong idepensa ang kaniyang WBO Welterweight belt sa laban nito kahapon sa Australian boxer na si Jeff Horn.

Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, bagaman isa si Pacquiao sa mga kapartido at itinuturing na kaibigan, ipinauubaya niya pa rin dito ang desisyon sa kanyang boxing career.

Sa tingin ni Pimentel, hindi naman napapabayaan ni Pacquiao ang trabaho sa Senado lalo at naka break ang sesyon kapag ginagawa ang laban nito.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *