Pagsuspinde sa Excise tax ng Train Law, ipinasa ng Malakanyang sa Kongreso
Ipinasa ng Malakanyang ang bola sa Kongreso hinggil sa panawagang suspendehin ang pagpapataw ng Excise tax sa mga Petroleum products na nakapaloob sa Train law.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na lalabas na lalabag sa batas si Pangulong Rodrigo Duterte kung basta na lamang sususpendehin ang Excise tax ng walang batas na pinagtibay ng Kongreso.
Ayon kay Roque ang Chief executive ay tagapagpatupad ng batas na pinagtibay ng Kongreso.
Inihayag ni Roque hindi ipinagwawalang bahala ng Malakanyang ang epekto ng Excise tax na nakapaloob sa train law lalo na sa mga mahihirap na mamamayan.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: