Pagsusuot ng face mask, gagawin ng Mandatory -IATF

Obligado na ang pagsusuot ngayon ng facemask kapag lalabas ng bahay ang mga residnete na nasa ilalim ng enhanced community quarantine dahil sa Covid 19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alelexi Nograles, tagapagsalita ng Inter Agency Task Force on Infectious Diseases, ito ay para maprotektahan ang sarili laban sa Covid 19.

Hinihikayat ng IATF ang mga concerned local government units na magpalabas ng Executive Order o ordinansa na nag aatas na kinakailangan ang magsuot ng facemask.

Sinabi ni Nograles na napagkasunduan sa pulong ng IATF na mahalagang pagsuotin ng facemask ang publiko dahil ang covid 19 ay naililipat sa pamamagitan ng droplets.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: