Pahayag ni dating PRRD pinabulaanan ni PBBM

Ilang beses na inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na nagsisinungaling si dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa sinabi nitong may blank check sa 2025 General Appropriations Act o GAA.
Sa isang ambush interview pagkatapos niyang pangunahan ang launching ng Tesla Center Philippines na ginanap sa Taguig City, ay sinabi ng pangulo na nagsisinungaling si Duterte.

Binigyang-diin ni PBBM, na alam ng dating pangulo na hindi totoo ang kaniyang alegasyon at lalong hindi pinapayagan na magkaroon ng item ang GAA na hindi nakalagaya kung ano ang proyekto at ano ang gastos, at maging ang pondo.
Hamon ni Pangulong Bongbong Marcos, hanapin ang sinasabing blank check sa GAA para patunayan na siya ay nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling lang si dating pangulong Duterte.
Aniya, nasa website naman ng Department of Budget and Management (DBM) ang kopya ng GAA.
Ayon sa pangulo, “He’s lying. He’s a president. He knows that you cannot pass a GAA with a blank. He’s lying, because he knows perfectly well that that doesn’t ever happen. Sa buong kasaysayan ng buong Pilipinas, hindi pinapayagan na magkaroon ng item ang GAA na hindi nakalagay kung ano yung project, at saka kung ano yung gastos, ano yung pondo. So it’s a lie.”

Bago ang ambush interview ay pinasinayaan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbubukas ng Tesla Center Philippines sa Taguig City.
Ito’y bilang pagtupad sa pangako ng kaniyang administrasyon, na pabilisin ang pagsulong ng bansa tungo sa zero-emission at greener future.
Ipinakita kay PBBM ang iba’t ibang modelo ng e-vehicles na nasa showroom ng Tesla, gayundin ang sariling service center, delivery center, headquarters at main office ng Kompanya.
Itinuturing ito ng pangulo na sa isa pang makabuluhang hakbang sa paglaban ng gobyerno sa climate change.
Eden Santos