Mga automated counting machines na gagamitin sa eleksiyon sa Mayo 2025 ipinakita isinapubliko na

Isinapubliko na ng Commission on Elections (COMELEC), ang mga gagamiting makina para sa darating na eleksiyon sa Mayo.
Ito ay sa ginanap na automated counting machine nationwide road show ng COMELEC sa New Era University campus sa Quezon City ngayong Lunes, January 20.

Dito ay ipinakita ang bagong automated counting machines (ACMs), na gagamitin sa pagboto sa darating na eleksiyon.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, layon ng ginawa nilang road show na maipakita sa mga botante ang paraan kung paano gagamitin ang bagong ACMs.

Ito kasi ang unang beses na gagamitin ang mga bagong machine sa Pilipinas, kaya importanteng maalam sa paggamit ang marami.
Sa ginawang voters education road show ay ipinakita ang tamang paggamit sa ACMs, mula sa pagboto hanggang sa pagsaksak ng balota sa makina pagkatapos bumoto.

May mga pagbabago rin ito mula sa dating vote counting machines, dahil dito ay makikita agad kung tumugma sa ibinoto ng botante ang narehistro sa makina.
Earlo Bringas