Pamumugot ng ASG sa bihag na mangingisda, kinumpirma ng AFP

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Sulu na pinugutan ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang isa sa kanilang mga bihag na mangigisda sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, commander ng AFP-Joint Task Force Sulu, kinilala ang pinugutan na si Noel Besconde, ang kapitan ng fishing boat na FB Ramona 2 na dinukot noong 2016 sa Celebes Sea.

Noong Abril 13 dakong alas-2:30 ng hapon pinugutan si Besconde.

Sa ngayon nagsasagawa na ang AFP ng military operations para mahanap ang katawan ng biktima.

Kasama ni Besconde na dinukot noong nakaraang taon sina Reyjim Rocabo, Roy Ramos at Roel Liones na pawang mga residente ng Tukuran, Zamboanga del Sur.

 

 

Please follow and like us: