Pang. Duterte gustong araw-araw ang pagpapauwi sa mga may problemang OFW’s sa Gitnang Silangan
Nais ni Pangulong Duterte na gawing araw-araw ang pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Workers sa Gitnang Silangan na may problema.
Sa kanyang arrival speach mula sa anim na araw na biyahe sa mga bansang Saudi Arabia, Bahrain at Qatar sinabi ng Pangulo na sisikapin niyang makahanap ng pondo para tustusan ang mass repatriation ng mga distress OFW’s sa Gitnang Silangan lalo na sa Saudi Arabia.
Ayon sa Pangulo pananagutan ng gobyerno ang mga problemadong OFW’s bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan sa pamamagitan ng kanilang remittances na nakakatulong sa ekonomiya ng bansa.
Inihayag ng Pangulo na magtatayo din siya ng hospital para sa mga OFW’s.
Idinagdag pa ng Pangulo na sukdulang ipasundo niya sa Philippine Air Force ang mga OFW’s na gustong makabalik sa bansa lalo na ang mga may edad na at mayroon pang sakit.
Ulat ni: Vic Somintac