Pang. Duterte, mataas pa rin ang approval rating sa latest Pulse Asia survey

Si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang may pinakamataas na approval at trust rating sa limang pinakamataas na opisyal ng bansa, ayon sa survey ng Pulse Asia.

Pero bumaba ang rating ni Duterte kumpara sa rating nito sa survey noong Disyembre.

Nakapagtala si Duterte ng 78 porsyentong approval rating, 7 porsyentong disapproval rating at 15 porsyentong undecided.

Sa survey noong Disyembre, ang Pangulo ay nakakuha ng 83 porsyentong approval, 5 porsyentong disapproval at 13 porsyentong undecided.

Bumaba ang approval rating ni Duterte sa National Capital Region mula 79 porsyento ay naging 73, iba pang bahagi ng Luzon 78 ay naging 71 at Mindanao mula 91 ay naging 88.

Tumaas naman ang rating ng Pangulo ng dalawang porsyento sa Visayas.

Nakapagtala naman si Vice President Leni Robredo ng 58 porsyentong approval rating mula sa 62.

Ulat ni : Madelyn Villar – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *