Pang. Duterte nagtalaga ng mga bagong hukom sa Visayas
Labing siyam na bagong hukom ang itinalaga ni Pangulong Duterte sa mga korte sa Visayas.
Sa transmittal letter ng Malakanyang kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ang mga bagong judges ay itinalaga sa Bohol, Cebu at Negros Oriental.
Labing-isa sa mga ito ay sa mga mababang hukuman sa Cebu na sina Fritz Ritchie Navarro Avila; Jennifer Pepito-Maniwang ; Dinah Jane Gaceta-Portugal ; Maryther Heyrosa-Budomo; Amy Rose Soler-Rellin ; Pamela Monica Navarette-Arbuis ; at Vivien Leigh Santiago-Lumangtad.
Itinalaga rin sa Cebu courts sina Tranne L. Digao-Ferrer ; Virginia Vivencita Lim-Monteclar ; Irish Inabangan-Amores; at Ameli Rabor Estrada.
Ang mga bagong judges naman sa Bohol ay sina:
Meriam Garrote-Alcantara ; Mildred Renoblas Maglajos ; Meriam Ballener-Tradio; Prince Joses Lim ; Joseph Baton ; and Joy Aangelica Santos Doctor.
Habang sa mga korte Negros Oriental ay itinalaga sina Ethyl Eleccion-Vidal at Ma. Corazon Sarrosa Perez.
Ulat ni: Moira Encina