Sen. Angara, nanawagan sa publiko na mag-file na kaagad ng ITR
Nanawagan si Senate Committee on Ways and Means Chairman Sonny Angara sa publiko na huwag nang hintayin ang April 17 deadline na itinakda ng Bureau of Internal Revenue sa pagpa-file ng income tax para sa taong 2016.
Paalala ng Senador, posibleng maharap sa penalty na 20 porsyentong interes kada taon at karagdagang 25 porsyento na surcharge sa tax due ang sinumang hindi makapaghain ng kanilang ITRo Income Tax Return sa nasabing petsa.
Kasabay nito, hinimok din ni Angara ang Bureau of Internal Revenue na gawing mabilis at kumbinyente para sa mga tax payer ang paghahain ng ITR para mabigyan ng pagkakataon na ayusin at maitama iyon gayundin ay maiwasan ang penalty.
Magugunitang iniurong ng BIR ang deadline na April 15 sa pagbabayad ng ITR dahil natapat iyon ng Sabado na deklaradong special non working holiday.