Pang. Duterte nasa Saudi Arabia na para sa kanyang state visit

Dumating na sa Riyadh Saudi Arabia si Pangulong Rodrigo Duterte para simulan ang kanyang dalawang  araw na State Visit.

Bandang alas-9:43 ng gabi ng Lunes oras sa Riyadh o alas-2:43 ng madaling araw ng Martes oras sa Pilipinas nang lumapag sa Riyadh International Airport ang flight PR001 lulan ang delegasyon ni Pangulong Duterte at  sinalubong ito ni Prince Faisal ang gobernador ng Riyadh.

Agad naman itong dumiretso sa kanyang tutuluyang hotel o villa na kaloob ni King Salman para magpahinga bago ang mga aktibidad ngayong araw.

Una rito, inihayag ni Consul General Iri Arribas na dalawang mahahalagang kasunduan ang lalagdaan ng gobyerno ng Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia (KSA) sa State Visit ni Pangulong Duterte.

Kabilang dito ang agreement ng Ministry of Foreign Affairs (MFA) ng Saudi Arabia at ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas para magkaroon ng mekanismo ng regular na konsultasyon para sa iba’t ibang sektor ng kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Please follow and like us: