Pangulong Duterte biyaheng Cambodia na mamayang hapon

Bibiyahe na mamayang hapon si Pangulong Duterte papuntang Cambodia para dumalo sa World Economic Forum – ASEAN.

Bandang alas 3 ng hapon ang alis ng Pangulo at inaasahang 5:45 darating sa Phnom Pehn, Cambodia.

Bukas pa magkakaroon ng official schedule si Pangulong Duterte kung saan gaganapin ang mga aktibidad sa Sokha Hotel simula ala una ng hapon.

Kinagabihan bukas , tutulak na ang delegasyon ng Pangulo papuntang Hongkong para doon makipagkita sa Overseas Filipino Community.

Matapos nito, diretso na rin ang Pangulong Duterte sa China sa weekend para dumalo naman sa ‘one belt, one road forum’ alinsunod sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *