War on drugs ni Pang. Duterte, suportado ng PAO

 

Suportado ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga.

Pinabulaanan din ni Acosta na mayroong umiiral na state-sponsored killings sa mga drug personalities kasabay ng pahayag na ang ginagawa ni Pangulong Duterte ay sang-ayon sa United Nations Organizations on Drugs and Crimes.

Sinabi ni Acosta, walang intensyon ang estado na patayin ang sinumang drug users o traffickers kundi ang gusto ng administrasyon ay magkaroon ng social justice at pagtupad sa rule of law.

Ayon pa kay Acosta, patunay dito ang paglobo ng kanilang kliyente na mula 82,000 ay naging 31,000 noong December 31, 2016.

Kung paniniwalaan ang sinasabing state-sponsored killings ay wala na silang kliyenteng hahawakan.

Kasabay nito, ipinagtanggol din ni Acosta ang ginagawang pagpatay ng mga pulis sa mga umano’y lumalabang suspek dahil pinapayagan sa revised penal code ang paggamit ng kaukulang puwersa sa oras na malagay sa panganib ang buhay ng mga pulis o alinmang law enforcing officer.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *