Pangulong Duterte dapat lalo pang magpakitang gilas sa publiko

Natural lamang na bumaba ang ratings ng isang Pangulo ng bansa.

Sa panayam ng Liwanagin Natin,  sinabi ni Prof. Ramon Casiple isang political analsyt na hindi kailangang maging batayan ang mga survey para husgahan ang performance ng isang Pangulo.

Sa halip ay dapat suriing mabuti kung naisakatuparan ng kasalukuyang administrastion ang mga pangakong binitiwan nito noong kampanya.

Aniya kung tutuusin ay maliit na porsyento lamang ang ibinaba sa trust rating ng Pangulong Duterte  kaya patunay lamang na marami parin ang naniniwala rito.

Gayunman , kinakailangang magpakitang gilas na si Pangulong Duterte sa publiko at ipakita ang tunay na pagbabago na isa sa campaign promise nito.

 

 

Please follow and like us: