Pangulong Duterte himamon ang mga kumukuwestyon sa kanyang deriktiba laban sa mga tambay na tumakbo sa Korte Suprema

 

Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kumukuwestiyon sa kanyang direktiba laban sa mga tambay na tumakbo sa Korte Suprema.

Sinabi ng Pangulo na malinaw ang kanyang kautusan sa Philippine National Police o PNP na sitahin lamang ang mga tambay sa kalye sa dis -oras ng gabi at sabihang umuwi na lamang ng bahay.

Ayon sa Pangulo ang aarestuhin ay ang mga pasaway lalo na at nag -iinuman sa kalye na nagiging banta sa seguridad ng lugar.

Inihayag ng Pangulo mayroong police power ang estado para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *