Pangulong Duterte humingi ng suporta sa mga Senador dahil sa banta ng destabilisasyon

Humingi ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Senador sa harap ng umuugong na destabilisasyon laban sa kanyang administrasyon.

Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, nangyari ito bago sila magpaalam sa Pangulo matapos ang dinner sa Malacanang.

Walang hininging anumang pabor ang Pangulo pero nakiusap aniya ito na bigyan siya ng pagkakataon na linisin ang problema sa peace and order at ekonomiya ng bansa.

Sabi ni Zubiri normal lang na humingi ng Tulong ang Pangulo lalo na at sa pagpapaganda ng ekonomiya ng bansa.

Nauna nang tinukoy ni Senador Panfilo Lacson si Senador Antonio Trillanes na umanoy nasa likod ng destabilization plot laban sa gobyerno.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: