Pangulong Duterte, kumpirmadong magtutungo sa Benham Rise sa susunod na linggo

Nakatakda nang tumulak patungong  Philippine rise si Pangulong Rodrigo Duterte  mula Mayo 15 hanggang 16 o sa susunod na linggo.

Ito ang ipinahayag ng Malakanyang bilang bahagi na rin ng unang anibersaryo ng paglagda ng Pangulo sa Executive order 25 na nagpapalit sa pangalan ng Benham rise sa Philippine rise.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, may 50 mga Pinoy scientist din ang kaniyang ipadadala sa undersea platue o talampas sa ilalim ng karagatan para magsagawa ng pag-aaral sa naturang lugar.

 

===========

 

nakapaloob ang philippine rise sa 200 nautical mile na exclusive economic zone ng pilipinas na may kabuuang sukat na 13 ektarya kung saan, ginawaran ang pilipinas ng sovereign rights sa ilalim ng united nations convention on the law of the sea.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *