Pangulong Duterte kumpiyasang mapatalsik sa Senado si Senador Antonio Trillanes

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na mapapatalsik sa Senado si Senador Antonio Trillanes.

Sinabi ng Pangulo na dahil sa asal ni Trillanes mahahatulan ito ng Senate Ethics Committee batay sa reklamong inihain mismo ni Senador Richard Gordon.

Ayon sa Pangulo maliban sa pagiging bastos ni Trillanes tinawag pa ng Chief Executive ang Senador na trililing o may sayad.

Inihayag ng Pangulo na kung siya ay isang senador posibleng maalis din ito sa Senado dahil sa kanyang bastos na bunganga.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

Sa ngayon nasa kamay na ng mga senador ang kapalaran ni Trillanes kung makakakuha ai senador Gordon ng 13 boto ng kanyang kapuwa senador para maalis si Trillanes sa mataas na kapulungan ng kongreso.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *