Libing ni Reynaldo de Guzman, tuloy ngayong araw

Tuloy pa rin ang libing ni Reynaldo de Guzman ngayong araw.

Ito ay matapos puntahan ng CIDG ang huling gabi ng lamay ng 14-taong gulang na bata at sinabing kukunin ito para sa panibagong autopsy.

Dahil ito sa resulta na nakalap ng Philippine National Police, dahil hindi nag-match ang DNA ni de Guzman sa bangkay ng batang natagpuan sa Nueva Ecija.

Ayon sa amang si Eddie Gabriel, naniniwala siya na ang batang kanilang pinaglamayan ay ang kanilang anak, at iginiit na hindi ito pwedeng bawiin ng mga pulis.

Dagdag naman ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta, na-certify na ng NBI ang death certificate ng bata, pagkat mga doctor ang nag-autopsy dito.

Nakatakdang ilibing ang bangkay ni de Guzman ngayong umaga sa Pasig Public Cemetery, kung saan magkakaroon muna ng misa sa San Antonio Abad Parish.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *