Pangulong Duterte muling tatangkaing makapunta sa Marawi City

Pipilitin ni Pangulong Duterte na pumunta sa Marawi City habang nagaganap pa ang bakbakan ng tropa ng pamahalaan at teroristang Maute group.

Sinabi ng Pangulo na gusto niyang makarating ng Marawi City habang may giyera pa para ipakita na kaisa siya ng mga Maranao sa panahon ng kaguluhan.

Ayon sa Pangulo kahit delikado ay handa siyang magtungo sa Marawi City.

Hindi naman sinabi ng Pangulo kung anong araw siya magtutungo sa Marawi City for security reason.

Dalawang beses ng tinangka ng Pangulo na magtungo sa Marawi City sa kasagsagan ng labanan subalit natataon na laging masama ang panahon kaya hindi pinapayagan ng Presidential Security Group o PSG na lumipad ang Presidential helicopter.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *