Mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau, isasailalim muna sa training para sa implementasyon ng ADDA

Bibigyan muna ng training ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau kaugnay ng ipinatutupad na Anti-Distracted Driving Act o ADDA.

Muling ipinatupad ang nasabing batas matapos itong suspindehin noong Mayo.

Subalit, hindi muna ito ipinatupad  ng MTPB  dahil hindi pa sila handa at masyadong maalam tungkol sa pasikot-sikot ng batas na ito.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, wala siyang balak pahintulutan ang mga tauhan ng MTPB na basta na lang manghuli nang walang sapat na kaalaman tungkol sa naturang batas.

Dahil dito, kailangan nilang dumaan sa mga seminar at training, lalo na’t ilang officers na ang napapaaway sa mga motorista dahil sa kalituhan sa batas.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *