Pangulong Duterte, nagtalaga ng bagong pinuno ng Phil. Coconut Authority

Itinalaga ni pangulong Rodrigo Duterte si Gonzalo Duque bilang bagong administrator ng Philippine Coconut Authority o PCA.

Si Duque ay kapatid ni Health Secretary Francisco Duque.

Nabatid na nanumpa na si Duque sa harap ni Executive Secretary Salvador Medialdea  sa palasyo ng Malakanyang.

Matatandaang sa State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sinabi nito naghahanap siya ng matinong taong itatalaga sa PCA para masiguro na hindi makukurakot ang isandaang bilyong pisong coco levy fund.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *