Senador Ping Lacson may panibagong pasabog para kay DOH secretary Francisco Duque

May ilalantad na panibagong bomba si Sendor Panfilo Lacson laban kay Health secretary Francisco Duque III sa sesyon mamayang hapon.

Kasunod ito ng report na kumita ng milyun-milyong piso ang Pharmaceautical company na pag aari  ng pamilya ni Duque mula sa mga government contracts sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Lacson, ilalantad nya ang mga umano’y conflict of interest ng pamilya Duque sa kaniyang privelege speech mamayang hapon. 

Nakapagtataka ayon kay Lacson na kumpanya ulit ng pamilya ni Duque ang nakakuha ng kontrata. 

Nauna nang ibinunyag ni Lacson na pag-aari ng pamilya ni Duque ang gusaling inuupahan ng Philhealth sa Dagupan sa Pangasinan. 

Sinabi ni Lacson na nakausap niya na si Senador Bong Go, chairman ng Senate Committee on Health para tingnan ang isyu.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *