Pangulong Duterte nangangamba sa bagong ‘trade pact’ na isinusulong ni US President Donald Trump
Ikinabahala i Pangulong Rodrigo Duterte ang napabalitang isinusulong na trade pact ni US President Donald Trump.
Sa isang media interview matapos ang kanyang arrival speech sa Davao International Airport mula Bali, Indonesia sinabi ng Pangulo na may nakarating sa kanyang impormasyon na gustong igiit ng Estados Unidos ang isang kasunduan na kailangan umanong pirmahan ng mga bansa.
Nakasaad umano sa isang probisyon sa naturang dokumento na papayagan ang sinumang bansa na lalagda sa kasunduan na magpatuloy sa pag-export at pag-import ng langis subalit ipinagbabawal nito na makipagkalakalan sa bansang China.
Nilinaw naman ng Pangulo na hindi pa niya ngayon makumpirma kung gaano ka-totoo ang lumabas na impormasyon. Sa ngayon ayon kay Pangulong Duterte ito ang dahilan kung bakit nagpa-iwan ang economic cluster ng Pilipinas at iba pang finance officers ng ASEAN countries sa Indonesia para talakayin ang naturang usapin.
Magugunitang matagal nang balak ng bansa na magkaroon ng joint oil exploration kasama ang China sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Statement ni Pangulong Duterte:
“Now, here is a problem. I do not know if it is a confirmed move by the American government. President Trump would be willing to sign a trade pact with you. But it must be a document which the countries must sign and there is a provision which is — I don’t know if it is true or not. It came from these guys here, mga finance. Nandoon ‘yung lahat na — naiwan ‘yung mga finance officer doon. Diokno, sila lahat. And of course, other countries were talking about it, having coffee. Now, kung pipirma ka niyan, you can export and import will continue. But you cannot trade with China”.
Ulat ni Vic Somintac