Pangulong Duterte, nasa maayos nang kalagayan matapos sumemplang sa motorsiklo sa loob ng Malacañang complex

Walang dapat ipag-alala ang publiko kaugnay ng nangyaring pagsemplang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa motorsiklo sa loob ng Presidential Security Group o PSG Compound sa Malacañang Complex.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagkaroon ng gasgas sa siko at tuhod si Pangulong Duterte subalit nasa maayos na kalagayan.

Ayon kay Panelo walang major injuries na tinamo ang Pangulo.

Tiniyak din ni Panelo na tuloy ang mga aktibidad ng Pangulo kasama ang pagtanggap niya sa Malakanyang  sa araw ng Biyernes sa bumibisitang Presidente ng bansang India.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *