Pangulong Rodrigo Duterte, magpapahinga ng 3 araw pero walang malubhang sakit- Malakanyang

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea para maging caretaker ng pamahalaan.

Ito’y matapos magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na magpahinga ng tatlong araw simula November 12 hanggang November 14.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailangan ng Pangulo ang pahinga at makatulog ng walong oras dahil sa kanyang mabigat na work schedule mula ng dumalo sa ASEAN summit sa Bangkok Thailand mula October 31 hanggang November 4.

Ayon kay Panelo sinunod ng Pangulo ang payo ng kanyang mga doktor at kaibigan na kailangang magpahinga muna.

Inihayag ni Panelo na walang malubhang sakit si Pangulong Duterte.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *