Panunumbalik ng tanim bala scam sa NAIA, itinanggi ng MIAA

Pinabulaanan ng Manila International Airport Authority na nanumbalik ang tanim bala scam sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal nakunan ng bala sa kanyang bagahe ang isang Korean national na estudyante na papalabas na ng bansa.

Pero iginiit ni Monreal na malabong planted o inilagay ang bala dahil nakita ito sa bulsa ng jacket na nakalagay sa loob ng bag ng nasabing Korean student.

Dagdag pa ni Monreal, agad namang pinaalis ang nasabing Korean national matapos na makumpiska ang nakitang bala at ma-dokumento ang pangyayari.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *