Paris Agreement inaprubahan na sa second reading ng Senado
Lusot na sa second reading ng Senado ang resolusyon sa Paris agreement.
Ayon kay Senadora Loren Legarda, chairman ng sub-committee ng Foreign Relations, isasalang na para sa ratipikasyon sa third reading ang resolusyon sa susunod na linggo.
Tiniyak ni Legarda na malaki ang magiging pakinabang ng developing nation tulad ng Pilipinas sa naturang kasunduan.
Sakaling tuluyang maaprubahan, magkakaroon ng access ang Pilipinas sa Green Climate fund o panustos sa mga programa para maresolba ang epekto ng global warming.
Ang Paris agreement ang kauna-unahang pandaigdigang kasunduan sa climate change na nilagdaan ng halos lahat ng bansa sa buong mundo.
Ulat ni: Mean Corvera
Please follow and like us: