Operasyon ng LRT-1 nilimitahan ngayong araw

Nilimitahan ang operasyon ng Light Rail Transit-1 sa Roosevelt hanggang Gil Puyat Station ngayong umaga ng Lunes.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation, ito ay dahil sa naranasang malakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila kaninang madaling araw.

Sinabi ng operations manager ng LRMC na nagkaroon ng problema sa cable ng tren.

Ngayon ay inaayos na ng kanilang engineering team ang sira para maibalik ang full operation ng LRT-1.

Inabisuhan naman ng kumpanya ang mga publiko na ikonsidera ang iba pang mode of transport para makaiwas sa naturang aberya.

Sakaling maibalik na sa normal ang kanilang operasyon, agad aniya nila itong ipapaalam sa publiko.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *